Sunday, July 28, 2013

ANG TUMAKAS NA PROPETA

Si Elias ang propetang ginamit ng Diyos upang ipakita ng Diyos ang Kanyag pagka-Diyos. Siya ay humarap sa Hari ng Israel (Hilagang Kaharian) na si Ahab upang sabihin na hindi pauulanin ng Diyos sa loob ng tatlong taon at anim na buwan (James 5:7) dahil sa kasalanan ng Israel sa pagsamba kay Baal na sa pangunguna ni Haring Ahab at ng kanyang asawang si Jezebel. Sa loob ng tatlong taon ang Diyos ay pinakain si Elias ng Diyos.   

Pagkalipas ng mahigit na tatlong taon humarap siya kay Ahab upang hamunin sa bundok Carmel ang mga propeta ni Baal at ni Ashera upang patunayan na ang kanilang sinasamba ay huwad. Sa bundok ay nagtayo ng dalawang altar para kay Baal at para kay YAHWEH. Tumawag at pumalahaw na ang mga propeta hanggang sa sugatan na nila ang kanilang sarili ngunit walang tugon ang diyos na si Baal. Ngunit sa pagtawag ni Elias kay YAHWEH ay tumugon si YAHWEH sa pamamagitan ng apoy na tumupok sa hain sa altar upang ipakilala ng Diyos ang Kanyang sarili na Siya ang tunay na Diyos na tinalikuran ng Israel.

Ngunit ang galit ng reyna na si Jezebel ay lubhang nagumapoy sa propeta at binantaan ang buhay niya kung paano ginawa niya sa mga propeta ni Baal. Natakot si Elias at tumakas mula sa galit ng reyna mula hilaga patungong timog na bahagi ng Israel, sa Judah ay kanyang tinakbo palayo sa reyna. Siya ay napanghinaan ng loob at hiningi na sa Diyos na kunin na ang kanyang buhay. Siya ay nagtago pa sa kweba sa matinding pagkabalisa at takot. Pagkatapos na ipinakita ng Diyos sa kanya mula sa panahon ng tag-tuyot hanggang sa tagumpay sa bundok ng Carmel ay napanghinaan pa rin ng loob si Elias. Ngunit ang Diyos ay nagpadala ng mensahe ng kaaliwan at siya ay inutusan bumalik sa Israel upang basbasan bilang hari si Jehu ng Israel. 

Sa kabila ng kabutihan at kapangyarihan na ipanakita ng Diyos sa ating buhay tulad ng kay Elias, dumarating din sa ating buhay at pagkabalisa at pagkatakot sa mga pag-uusig ng mundo. Dahil dito tayo ay tumitigil sa paglilingkod sa Diyos. Tandaan natin na ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga tinawag at patuloy na pinalalakas at inaaliw ng Kanyang Salita tayo upang magpatuloy sa buhay Kristiyano na may pagtitiwala at paglilingkod sa Kanya. Huwag nating takasan ang paglilingkod dahil lamang sa pag-uusig o banta sa buhay ng mundong ito ngunit ito ay maging malaking hamon sa atin na lalong magtiwala sa Diyos na tapat sa atin. 

Basahin : 1Kings 17:1 - 19:21






No comments: